Dingdong, Marian nagluto, nag-repack ng menudo meals para sa frontliners; Mika namigay ng face shields

NAGPAKAIN ng ulam na menudo ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa mga nagtatrabaho sa Quezon City General Hospital.

      Sa video na ipinakita ni Dong sa Instagram, makikitang nagluluto si Yanyan habang siya naman ang nagpa-pack ng mga ipamimigay na pagkain.

      Ipinakita rin ni Marian sa kanyang Instagram Stories ang katakam-takam na menudo na kanyang iniluto.

    Naglagay din ng maikling mensahe ang Kapuso Primetime Queen sa packaging ng food pack, “We honor you for your service! Maraming salamat.”

 

  Caption naman ng Kapuso Primetime King sa ipinost niyang IG photo, “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. 

“Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.”

      Ang pagbibigay ng pagkain sa QC General Hospital workers ay bukod pa sa panawagan ni Marian para naman sa mga gustong mag-donate sa Kindness Kitchen, ang bagong fundraising campaign para mas marami pang maipamigay na pagkain sa mga taga-QC.

      Katuwang niya rito ang isanh global food chain kung saan isa siya sa celebrity endorsers.

                                    * * *

Sa sarili niyang effort, nakapagbigay na rin ang Kapuso youngstar na si Mika dela Cruz sa mga frontliners sa pamamagitan ng paggawa ng nga face shields na personal pa niyang iniabot sa mga ito.

Sa Instagram, sinabi ni Mika na nais niyang ma-feel ng mga frontliners at volunteer workers na maraming gustong tumulong at mangalaga sa kanila habang nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila. These are face shields po for protection (PPE) ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para saatin. 

“I just wanted to give back to them in my own little way… salamat po sa sakripisyo ninyo!” aniya sa caption.

Ilan sa mga nakinabang sa tulong ni Mika ay mga security guard, mga taong nagbabantay sa mga checkpoint, pati ang ilang service crew sa mga fastfood.

Read more...