April Fools’ Day ‘nasuspinde’

SA dami ng paalala (at pananakot) mula sa iba’t-ibang sektor ukol sa pagbibiro kaugnay sa Covid-19 pandemic, tila nasuspinde ang April Fool’s Day nitong Miyerkules.

Maliban sa mga luma at ni-recycle na joke tungkol sa pagbubuntis at sa “The Ultimate Pancit Canton Gaming Keyboard” prank ng kumpanyang TNC, naging tahimik ang mga netizens at wala halos ikinalat na mga jokes, pranks at hoaxes.

Maging ang Google, na taon-taon ay naglalabas April Fools’ jokes, ay sinabing magpopokus ito sa pagtulong sa publiko at “would not launch any hoax products as it has in previous years.”

Ayon sa kumpanya, ibabalik nila ang mga jokes sa susunod na April “when the world will be whole lot brighter” than it is now.”

Ilan pa sa mga kumpanya na sinuspinde ang pagpapakalat ng mga biro ay ang Lego at Heinz.

Matatandaan na noong Lunes ay nagbabala si Pasig Mayor Vico Sotto na mananagot ang magbibiro na sila ay positibo sa Covid-19.

Mas matindi sa Thailand na limang taong kulong sa mahuhuling nagpapakalat ng Covid-19-themed jokes, aabot naman sa $100,000 ang fine sa Taiwan, habang kaso ang kinakaharap ng mga lalabag sa India.

History

Ayon sa kwento, nagsimula ang April Fools Day o All Fool’s Day dahil Kay Pope Gregory XIII.

Noong Oktubre 1582 ay ipinakilala ni Pope Gregory XIII ang Gregorian calendar na ginagamit ng karamihan ng mga bansa sa kasalukuyan.

Sa nasabing kalendaryo ay iniurong ang umpisa ng taon sa January 1 mula March 25.

Pero hindi lahat ay nakakuha ng memo at patuloy na ipinagdiwang ang bagong taon sa March 25. Pinagtawanan ang mga ito at tinawag silang mga tanga.

Read more...