Miss na miss mo na ba si dyowa: Lovi Poe may ‘5 LDR tips’ habang naka-quarantine

INAATAKE ka na ba ng matinding lungkot dahil miss na miss mo ang dyowa mo? 

Kaya mo pa bang tumagal ng dalawang linggo na hindi kayo nagkikita nang dahil sa ipinatutupad na enhanced commumity quarantine?

Nang dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa, marami ngayon ang naka-LDR mode o ang tinatawag na “long distance relationship” challenge.

Relate na relate diyan ang Kapuso actress na si Lovi Poe dahil matagal-tagal na rin niyang pinaglalabanan ang LDR with her foreigner boyfriend.

Kaya naman nag-share ang lead star ng upcoming Kapuso series na Owe My Love ng 5 helpful tips para sa mga taong nasa LDR mode ngayong panahon ng krisis.

Pagbabahagi ni Lovi, mahalaga raw sa isang relationship ang communication lalo na’t magkalayo kayo ng iyong partner. Marami nang paraan ngayon para magkausap sa kabila ng ECQ.

At dahil hindi nga kayo nagkakasama at nagkikita in person, dapat din daw panatilihin ang honesty, trust at respect sa isa’t isa. Dapat daw isapuso ito ng bawat nagmamahal para mas mapatibay ang relasyon kahit hindi nagkikita nang personal.

Pero ang pinakaimportante na hindi dapat mawala ay ang love o ang pag-ibig mo para sa iyong partner. Pwede mong balikan o alalahanin ang mga bonding moments n’yo nitong mga nagdaang buwan bago magka-lockdown.

Sabi ni Lovi, “Kapag hindi solid ang pagmamahal n’yo sa isa’t isa, it’s just a waste of time. Kailangang mas mapatatag n’yo ang love for each other kahit magkalayo kayo.”

May point naman siya, di ba? Mukhang magaling na sa pagbibigay ng love tips ang Kapuso actress matapos ang kanyang failed relationships in the past.

Samantala, balita namin, ang upcoming series na pagbibidahan niya opposite Ben Alves ay may temang financial literacy. Marami rin kayang tips about handling money si Lovi? Yan ang abangan natin.

* * *

Nakatutuwa talaga ang mga paraan ng mga artista para hindi maburyong sa kanilang mga bahay habang naka-quarantine. 

Habang ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy ay abala sa pagtoli-TikTok, ang mag-asawang Carmina at Zoren Legaspi naman ay may sariling ganap.

Ibinahagi nila sa isang Instagram post na nagkaroon silang mag-asawa ng cooking battle. Kita sa kanilang IG photos na “Bistek” ang pinaglalaban nila. Sino kaya ang nagwagi sa cooking challenge na ito?

Samantala, patuloy na napapanood si Carmina at ang Legaspi twins sa kanilang food adventures sa weekend program ng GMA na Sarap Di Ba? tuwing Sabado ng umaga! 

Read more...