NAGBANTA ngayong gabi si Pangulong Duterte sa mga magtatangkang manakot sa gobyerno matapos ang nangyaring protesta sa Quezon City dahil umano sa kawalan ng ayudang natatanggap.
“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” ani ni Duterte.
Nauna nang inaresto ang 21 katao sa Quezon City na lumabag sa enhanced community quarantine matapos na magprotesta.
“Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation,” sabi ni Duterte sa isang biglaang public address.
“Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID,” dagdag ni Duterte.
Iginiit ni Duterte na tuloy ang kaso laban sa mga nahuling lumabag sa lockdown.
“Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” sabi ni Duterte.