ISTRIKTONG sinusunod ni Kapuso young actress Mikee Quintos at ng kapatid ang social distancing sa bahay nila dahil na rin sa instructions ng inang si Jo Quintos.
“She gave each one of us an ID that has 1 meter radius protection from the virus and assigning ‘disinfecting time’ at certain mini checkpoints at home,” pahayag ni Mikee bilang paghahanda sa community quarantine.
Para maging productive sa bahay, “I put up a list on my wall of things I have to do and made sure to accomplish at least one every day
“I always tend to add a few things on the list before the day ends though,” saad pa ng Kapuso artist.
* * *
Dahil ilang linggo na ring stop taping ang award-winning Kapuso gag show na Bubble Gang bunsod ng lockdown sa Luzon, aminado si Betong Sumaya na miss na niya ang kanyang co-stars sa programa.
At para muli silang magkita-kita at magsama-sama kahit may lockdown, naisipan nila na mag-video conference kasama pa ang ibang mainstays ng BG. Ipinasilip ni Betong ang naging video conference niya kasama ang barkada sa kanyang Instagram kaya naman naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.
“Miss you BG Family, tnx Zoom at nagkita kita kahit konti lang kami Amazing TyPoLORD #Blessing #BubbleGang,” ani Betong.
Samantala, patuloy naman na naghahatid ng saya at inspirasyon si Betong at iba pang Kapuso stars sa no-contact online show ng Kapuso Network na napapanood tuwing Linggo ng tanghali sa Facebook page ng GMA.