Maine Mendoza naglunsad ng ‘hot meals’ campaign para sa mga taga-Bulacan

MAINE MENDOZA

PANIBAGONG ayuda ang  isinasagawa ngayon ni Maine Mendoza matapos mamigay ng cash assistance sa mga informal workers through her DoNation Drive.

This time, maghahandog naman ng “hot meals” si Meng para sa ilang barangay sa Bulacan na sa tingin niya ay nangangailangan pa ng karagdagang tulong.

Tinawag ang fundraising campaign ng TV host-actress na Kindness Kitchen. Target nito ang paghahanda ng 2,000 meals para sa Bulacan families.

Sa art card na inilabas niya sa Twitter, sinabi ni Maine na sa bawat P1,000 donasyon ay gagawa sila ng 20 hot meals.

Samantala, ipinaabot muli ni Maine ang kanyang pagsaludo sa lahat ng  frontliners na itinuturing na rin ngayong mga bagong bayani.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng health care workers at sa iba pa pong frontliners na talaga naman pong nagsasakripisyo at nagbibigay-serbisyo po sa ating bansa at sa mg Pilipino pong nangangailangan sa panahon ng krisis ngayon,” aniya.

Dagdag pa ng dalaga, “Hindi po kayo mawawala sa aming dasal. Sana po ay lagi kayo mag-iingat at sana po ay lagi kayong gabayan ng Diyos sa lahat po ng ginagawa n’yo sa araw-araw. Maraming-maraming salamat po at saludo po kami sa inyong lahat.”

Samantala, bukod sa pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic lalo na sa mga nawalan ng work, tuloy pa rin ngayong buwan ang pagiging MYX Celebrity VJ.

                                    

               

Read more...