BINIGYAN na ang mga Filipino taekwondo jins na naghahangad ng Olympic berth ng mga direktiba kung paano nila haharapin ang mga darating na mga araw habang patuloy na nakikibaka ang Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) pandemic.
“Gyms are still closed due to the enhanced community quarantine. But the athletes were given a program that they can do while they are in the confines of their homes,” sabi ni Philippine Taekwondo Association (PTA) regional affairs chief Stephen Fernandez sa panayam ng Inquirer.
Sinabi ni Fernandez na bagamat wala pang agarang plano na inilatag ang liderato ng national sports association iginiit nito na kailangang magsagawa ng mga pagbabago sa kanilang paghahanda lalo na kapag natapos ang lockdown.
“We also have not made any discussions yet [within] the association,” sabi pa ni Fernandez. “Definitely, when this quarantine period is lifted and we are allowed to meet again, PTA will sit down to discuss the adjustments on the calendar.
Ang Luzon enhanced community quarantine ay nakatakdang matapos ngayong Abril 14.
Ang kalendaryo ng PTA ayon kay Fernandez ay kinabibilangan ng Asian Qualifying Tournament (AQT), na na-postpone rin sa ibang araw matapos ang pag-reschedule ng Tokyo Summer Olympics sa Hulyo 23, 2021.
Inaabangan din ni Fernandez ang posibilidad na maidaos sa ibang araw ang AQT na nangangahulugan na kailangang nakakondisyon ang mga national athletes.
Hangad naman ng PTA na ang apat na 30th Southeast Asian Games gold medal winners na sina Pauline Lopez, Sam Morrison, Dave Cea at Kurt Barbarosa ang magiging mga pambato nito sa kanilang hangaring makalahok sa Olympics.
Si Kirstie Alora, na nakapag-uwi ng silver sa 2019 Philippines SEA Games, ay bahagi pa rin ng kanilang plano dahil nakalahok ito sa Rio Olympics sa Brazil noong 2016.