‘Pulis’ dumaan sa checkpoint nahulihan ng shabu

ARESTADO ang isang lalaki na nagpakilala umanong pulis at nakuhanan ng sachet ng shabu sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang naaresto na si Joselito Luz, 54, family driver at ng Brgy. West Crame, San Juan City.

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Batasan-San Mateo Rd., Brgy. Batasan Hills, nang dumaan umano ang suspek sakay ng Suzuki APV (UOZ 147) alas-6:10 ng gabi.

Nakasuot umano ang suspek ng police upper athletic shirt at nagpakilalang pulis.

Nang hingin ang police ID at lisensya ng suspek ay wala itong maipakita.

Nagduda umano ang mga pulis at nang kapkapan ang suspek ay nakuha sa kanya ang isang sachet na naglalaman ng P2,500 halaga ng shabu.

Read more...