Kakai Bautista nagpakita ng panty sa gitna ng COVID-19 pandemic: Susmaryosep!

TAWANG-TAWA ang netizens sa bagong paandar ni Kakai Bautista sa Instagram.

Sa kawalan kasi ng magagawa dahil naka-home quarantine ang lahat, pinagtripan ni Kakai ang bedsheet niya at ginawang bikini.

“DAY 9 #PambahayOOTDChallenge

This is #KWARTOKaVOGUE.

“LOCKDOWN will not STOP US FROM REMEMBERING SUMMER!!!!!!! NOOOOOO!!!! Kakai in her old bed duvet paired with the PUNDA with her pink beykinieees and her old hat from zingaporeeeee.

SWIPE LEFT FOR MORE UMAY. #dentaldiva, #LockdownCouture

#KWARTOKaVOUGE, #PambahayOOTDCHALLENGE.”

Ang daming natawa at naaliw sa kanyang IG photo.

“Ate @ilovekaye tawang tawa ako sayo! Thank you for making people smile in times like this! keep safe and Godbless!”

 

“Natutuwa ako sayo Cacai, ang layo na ng narating mo, dahil nakakatabi lng kita sa simbahan ng Pacita ngayon eto ka na. Continue to make people happy, God bless.” 

“Susmaryosep ms. Kakay! Sa kabila ng pag alala ng mga tao sa panahon ng lockdown mabuti at isa ka sa mga taong nakakapagpatawa sa akin twing nagbubukas kami ng IG. Yung panty nyo po winner talagang naghe hello sya ang nagdala ng strike a pose nyo.”

Pero meron din namang nang-okray sa magaling na comedienne.

“OMG! THIS IS WORSE THAN COVID-19!”

Read more...