Mayor ng Taytay positive sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 si Taytay Mayor Joric Gacula ng Rizal.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Gacula na dumating kanina ang isang email upang ipabatid sa kanya na siya ay positibo sa COVID-19.

Kuwento ni Gacula nakaramdam siya ng pangangatili ng lalamunan at sinat.

Kumonsulta siya sa kanyang doktor at pinayuhan siya nito na mag-self quarantine at binigyan ng gamot.

Dahil mayroong mga sintomas ay sinabihan din siya ng doktor na magpa-COVID-19 test.

“Ngayon pong araw ng linggo natanggap ko po ang email na ako po ay COVID-19 positive sabi po ng aking doktor nabibilang daw po ako sa tinatawag na may mild case ng covid-19. Bakit po? Nitong nakaraang Biyernes wala na po akong nararamdaman pangangati ng lalamunan o lagnat man lamang. Hanggang ngayon pong araw ng linggo ako po ay wala ng nararamdaman ako po ay normal ngunit sa direktiba ng DoH kailangan ko pa rin po mag-self quarantine ipagpatuloy ang aking pag-iisa,” saad ng alkalde.

Sinabi ni Gacula na patuloy nitong gagampanan ang kanyang trabaho mula sa loob ng kanyang kuwarto.

Tiniyak din nito na kumikilos ang iba pang opisyal ng bayan upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mamamayan.

Read more...