Tulong ibinigay sa empleyado ng ospital na sinabuyan ng Zonrox

BIBIGYAN ng tulong pinansyal at legal ng ACT-CIS partylist ang hospital frontliner sa Tacurong City na sinabayan ng zonrox dahil sa paniwala na nagdadala ito ng coronavirus disease 2019.

Sa isang pahayag kinondena nina Representatives Eric Go Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran ang ginawa sa empleyado ng Saint Louis Hospital-Tacurong na muntik ng mabulag.

Magbibigay umano ang partylist ng P20000 medical assistance at legal assistance para maihabla ang limang tao na gumawa ng hindi maganda sa kanya.

“It is unacceptable when we hear health workers being discriminated upon and avoided like the plague while they are leading the fight against Covid-19,” ani Yap.

Sinabi ni Taduran na dapat kilalanin ang mga taong nagpapatuloy sa pagpasok sa ospital sa kabila ng panganib.

“They are courageous despite the odds. They are heroes. We should give our utmost support and respect to our frontliners whatever roles they are playing in this battle against an unseen enemy,” ani Taduran.

Hirit naman ni Tulfo isumbong lamang sa kanila ang mga pang-aapi na ginagawa sa mga frontliners.

“Isumbong nyo lang sa amin ang mga pang-aapi, pananakot o pananakit sa inyo, kami ang bahalang umaksyon.”

Read more...