John Prats, Isabel Oli may good news kontra COVID: Baby Pratty no. 3 is coming!

SA gitna ng pakikipaglaban ng buonh mundo sa COVID-19 pandemic, nag-share naman ng good news at pampa-good vibes ang showbiz couple na sina John Prats at Isabel Oli.

Ibinandera ng mag-asawa sa madlang pilol ang pagdating very soon ng kanilang Baby No. 3. Limang buwan nang buntis ngayon si Isabel at nakatakdang manganak sa darating na July.

Ipinost ng aktres sa Instagram ang good news na pinusuan ng kanyang followera kasabay ng pagbaha ng mensahe ng pagbati sa kanila ni John.

“In the thick of what’s happening, don’t forget to still count your blessings. We happened to have one big blessing that we all would like to share to you. Hoping our news will bring smiles to your faces.

“We will be welcoming another bundle of joy, Baby Pratty number 3 this JULY 2020!!!

“Our family is growing, and I can’t help but thank God even in the midst of this pandemic. I know that despite these trying times, God is always in His best timing and is sovereign. 

“So, help us welcome our little one and pray for a safe delivery as well,” caption ni Isabel sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya, “Stay indoors. Praying for you all!This too shall pass. Cling on to God. Anchor your hope in HIM. Be blessed guys!!!”

May dalawa nang anak sina Pratty at Isabel, sina Feather at Freedom.

Isa lamang si Isabel sa mga celebrities na nagdadalang-tao ngayong panahon ng health crisis sa buong mundo.

Ang ilan pa sa mga preggy celebs ngayon ay sina Max Collins, Bangs Garcia, Luane Dy at Iya Villania.

Read more...