10 huli sa droga

SAMPUNG drug suspects ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Nasakote sa buybust operation ng Masambong Police sina Edward Arcega, 34, at Carl Cabagbag, 25, alas-8:35 ng gabi sa kanto ng EDSA at Congressional Ave. Brgy. Ramon Magsaysay. Nakuha umano sa kanila ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Talipapa Police naman ang umaresto kay Arnel Mendoza, 30, alas-8:45 ng gabi sa Banlat Rd.,, Brg. Tandang Sora. Nakuha umano sa kanya ang P32,000 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Batasan Police sina Abbygail de Guzman, 21, Angelika Dalipe, 23, at Joel Dagamina, 31, alas- 4:40 ng hapon sa Sto. Niño st., Brgy Holy Spirit. Nasamsam umano sa kanila ang P6,800 halaga ng shabu.

Naaresto rin nila sina Denmark Pulminar, 39, at Albert Pulminar, 26, alas-10:15 ng gabi sa Road 4 Sitio Kumunoy Brgy. Bagong Silangan. Nakuha umano sa kanila ang P34,680 halaga ng shabu.

Alas-8:45 ng gabi hinuli ng Anonas Police si Jericho Almodovar, 18, sa Area 6, Brgy. Botocan dahil sa paglabag sa curfew. Nakuhanan umano ito ng sachet ng marijuana na nakatago sa loob ng itinuping P20 bill.

Nahuli rin nila si Joan Rose Garcia, 39, alas-12:30 ng umaga sa Maningning st., Brgy. Sikatuna Village matapos makita ang usok mula sa isang kuwarto.

Read more...