TINATAYANG P2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa operasyon ng pulisya sa isang apartelle sa Quezon City Sabado ng gabi.
Naaresto sa buy bust operation sina Ronnel Grifalda, 35, ng Caloocan City at Rolando Abarga, 24, ng Navotas City.
Nakabili umano ang poseur buyer ng P35,000 halaga ng shabu sa mga suspek sa Room No. 29 ng Starcia Apartelle na nasa Quirino Highway, Brgy Bagbag, Novaliches alas-10:15 ng gabi.
Nasamsam umano sa kaila ang 325 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 milyon.
Nabatid na si Grifalda ay dati ng nasampahan ng kasong frustrated murder at paglabag sa drugs law.
MOST READ
LATEST STORIES