Hugot ni Jennylyn Mercado sa mga nasa posisyon: Wag n’yong unahin ang personal na interes!

“HUWAG n’yong unahin ang pang-personal na interes!” Iyan ang matapang na hugot ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa lahat ng nasa posisyon at mga feeling-VIP ngayong panahon ng krisis.

Partikular na inalmahan ng leading last ni Dingdong Dantes sa primetime series na Descendants of the Sun PH ang sinasabing VIP testing para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 na kinakaharap ngayon ng bansa.

“Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas madaming ma-test na nangangailangan nito,” lahad ng singer-actress.

Pakiusap pa ni Jennylyn, sana’y sumunod sa guidelines ng COVID-19 testing kung saan prayoridad ang mga taong may sintomas ng virus at hindi ang mga VIP na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang sariling kapakananan.

 “At habang limited pa ito, lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming pinapaala doon sa mga taong may power o pribilehiyo na maging VIP na ‘wag ninyo unahin ang inyong pangpersonal na interes,” lahad pa ni Jen.

* * *

Isa rin ang Kapuso actor na si David Licauco sa mga nagkukusang tumulong para sa frontliners ng ating bansa laban sa banta ng global pandemic na COVID-19. 

Nag-post ang hunk actor sa Twitter ng panawagan sa kanyang followers upang kumalap ng pinansyal na tulong sa pagbabahagi ng personal protective equipment o PPEs at iba pang pangangaillangan ng mga ospital.

 “I am raising funds to donate to Makati Med or whichever hospital of your choice. We already have 120,000 thousand pesos worth of specialized imported PPEs. 

‘If you are willling to donate through BDO online, please let me know.”  

Sa panahon ngayon, mas tumitindi ang pangangailan at demand ng PPEs tulad ng masks, gloves or face shields dahil araw-araw tumataas ang numero ng nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa pati rin ang mga PUIs at PUMs na inaalagaan din sa mga ospital. 

Read more...