NANINIWALA si ACT-CIS Rep. Niña Taduran na makatutulong ang mass testing upang mapigilan ang lalong pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Pinamamadali rin ni Taduran sa Department of Health ang pag-aaral sa rapid testing kits na ginamit ng South Korea upang agad na makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
“Mass testing has helped South Korea flatten the curve. This will enable the frontliners to identify immediately who needs to be isolated, and this will prevent the spread of the virus,” ani Taduran.
Nagtataka rin si Taduran kung bakit ang rapid test kit na nalikha ng mga Filipino scientist ay hindi pa tapos maaprubahan ng Food and Drug Administration.
“It’s a shame that UK researchers have developed a Covid-19 detection kit based on an existing technology in our country which is being used to test viral spread in chickens. They have other rapid test kits already approved for use. Why can’t we do the same here? There are thousands of donated rapid testing kits, why don’t we use them?”
Libu-libong test kits na rin ang dumating mula sa donasyon ng iba’t ibang bansa.
Ngayong araw ay dumating na rin ang 40,000 COVID-19 testing kits at anim na ventilators mula sa Singapore.
Tinanggap ni Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje ang donasyon mula kay Singapore Ambassador Gerard Ho.
Galing ang donasyon sa Temasek Foundation- Singapore.
Tinanggap din ni Borje ang apat na ventilators flown mula sa Filinvest City Foundation at binili sa Singapore.