UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang post ng St. Louis Hospital-Tacurong City kaugnay ng pagsaboy ng bleach sa mukha ng isang empleyado nito na pinaniniwalaang dahil pinagdududahan itong may dala ng covornavirus disease 2019.
Hustisya ang panawagan ng mga netizens sa nangyari sa empleyado na muntik mabulag.
May nagkomento na dapat ay hindi na ikulong kundi patayin agad ang gumawa nito.
Hirit naman ng isa pa dapat ibabad sa zonrox ng isang araw ang kamay ng mga gumawa nito.
Sabi naman ng isa pa diring-diri sa medical frontliners pero mas nakakadiri ang mga taong matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa utos ng gobyerno na manatili sa kanilang bahay. Diyos na umano ang bahalang magparusa sa mga “hinayupak” na nagsabay ng bleach.
Ayon sa post ng Facebook papasok sa trabaho ang biktima noong Marso 27 ng sugurin ito ng lima katao malapit sa palengke ng President Quirino.
Sinabuyan umano ang biktima ng zonrox na maaaring makabulag mabuti na lamang at nakatakbo sa ospital ang biktima kaya nabigyan ito kaagad ng tulong.
“He is a frontliner. Instead of discriminating the healthcare workers, to the point of committing untold violence against them, we, as a community should show solidarity with these individuals who risk their lives so that continued medical service remain unhampered. We demand justice for our healthcare personnel. He heeded the call of duty when others would not.”