Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa 1,075

UMABOT na sa mahigit 1,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng 272 panibagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).

Idinagdag ng DOH na nasa 1,075 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kasama ang 14 na bagong nasawi at apat na bagong gumaling.

Umakyat naman sa 68 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, samantalang 35 naman ang gumaling sa deadly virus.

Sinabi ng DOH na kabilang sa mga nakarekober ay  sina “PH163”, 55, lalaki, na taga Quezon City; “PH19”, 46, babae, mula Pasig City,, “PH235”, 30, lalaki mula Mandaluyong City, at “PH11”, 72, lalaki mula sa San Juan City.

Read more...