3 pa positibo sa COVID-19 sa Pasay City

TATLO pa ang nadagdag sa nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pasay City.

Batay sa bagong tala ng Pasay City health office, umabot na sa 12 ang kabuuang kaso sa lungsod mula sa dating siyam na kaso.

Samantala, umabot na sa 50 ang person under investigation (PUIs) at 115 naman person under monitoring (PUMs).

Muling nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay City sa mga mamamayan na manatili sa kani-kanilang mga bahay.

Sinabi ng Pasay City health office na maaaring tumawag sa mga COVID-19 hotlines nito na:

09567786524

09089937024

09776907378

09616282934

k

Read more...