Laguna isinailalim sa ‘total lockdown’

ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Laguna sa total lockdown ala-1 ng hapon ngayong araw sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Inihayag ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang desisyon sa social media.

Nauna rito, kinumpirma ang mga kaso ng COVID-19 sa bayan ng Pila at San Pablo City,  at pangwalong kaso sa Santa Rosa City.

Umabot na sa 23 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Read more...