DUMATING na sa bansa ang libu-libong test kit mula sa Chinese business magnate na si Jack Ma na ipinadaan niya kay Sen. Manny Pacquiao.
Ito’y bilang pag-ayuda sa pamahalaan na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Isa sa malapit na kaibigan ni Pacman ang kilalang negosyante at tulad ng ipinangako niya, nag-donate si Jack Ma ng mahigit 57,000 testing kits para magamit ng mga ospital na nangangalaga ngayon sa mga COVID patients.
Ibinahagi ng misis ni Pacman na si Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram ang good news.
“Thank you, Lord. Dumating na po ang 57,000 plus na Testing Kits na galing kay Jack Ma. Testing kits were formally turned over to DOH. #Godisgood #Psalm91 #2Chronicles7:13,” caption ni Jinkee sa mga litrato ng testing kits na dumating sa Pilipinas.
Sunud-sunod ang mensahe ng mga celebrities at netizens sa post ni Jinkee, lahat sila’y nagpasalamat sa kilalang Chinese businessman pati na sa initiative ng pamilya Pacquiao.
“Ang galing ate Jinkee! Thank you,” comment ni KC Concepcion.
“Maraming salamat Jinkee and Manny. You have done so much for our country,” sey naman ni Vicki Belo.
Kamakailan at ibinandera ni Sen. Manny na nakipag-ugnayan na siya kay Jack Ma para nga makagawa ng paraan para magkaroon ng sapat na test kits sa bansa.
“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with Manny Pacquiao Foundation, is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines.
“With everything that’s happening around the world today, there is no better time to unite and do whatever we can to help each other. Thank you, Jack Ma Foundation, for this generous donation!” post ng Pambansang Kamao sa Instagram last week.