NBA players ibinahagi ang kanilang basketball drills

HINDI man makalabas at nasa loob lang ng bahay ang kanilang mga kabataang fans at supporters, nakahanap ng solusyon ang National Basketball Association (NBA) para magkaroon ng physical activities ang mga ito.

Kamakailan lang ay inilunsad ng liga ang Jr. NBA at Home workout program kung saan ang mga kabataang lalake at babae ay maaaring magsagawa ng basketball drills sa kanilang mga tahanan kahit may quarantine o lockdown na bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang Jr. NBA at Home ay isang free interactive content series na kinatatampukan ng mga NBA at WNBA players na magsisilbing pseudo-coaches sa nasabing long-distance workout.

Kabilang sa mga kalahok sa nasabing kampanya sina Trae Young, Jaren Jackson, Jewel Lloyd, Larry Nance Jr., Jaren Jackson Jr., Vanessa McClendon, Renee Montgomery, Duncan Robinson, Devonté Graham at Matisse Thybulle na ibinahagi ang kanilang ginagawa sa mga videos na matatagpuan sa jr.nba.com at Jr. NBA YouTube account.

Maging si Dallas Mavericks head coach Rick Carlisle ay nagpakita rin ng kanyang shooting drills na hindi kinakailangan ng basketball hoop.

Sa kasalukuyan ay umabot na ang Jr. NBA at Home videos sa mahigit 5.4 million views kung saan ito ay naging top resource para sa mga batang ballers na nais pang humusay sa sport ng basketball.

Read more...