“GUSTO kong maging si Liza Soberano!”
Yan ang diretsong sagot ng Kapamilya young actress na si Maymay Entrata nang sumalang sa “KalokoVan” YouTube video ni Robi Domingo.
Nakasama rin ni Maymay sa latest vlog ni Robi ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber. Agad namang nilinaw ng Kapamilya TV host na ginawa niya ang interview sa MayWard bago pa ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa nasabing YouTube video, kailangang sagutin ng MayWard ang mga “hot questions” na itatanong ng netizens. Pero kung ayaw nila itong sagutin kailangang gawin nila ang mga challenge na ibibigay ni Robi.
“I’ve been looking at lots of comments and people have been telling me, el presidente, bakit wala ka pang vlog together with one of the most powerful love teams?
“Huwag kayong magalit busy rin akong tao. Pero finally when I asked (MayWard) they said yes,” pahayag ni Robi.
At isa nga sa mga questions na binasa ni Robi para kina Maymay at Edward ay ang, “If you will to be given a chance to be someone for a minute, who will it be?”
Mabilis na sagot ni Maymay, “Liza Soberano! Kasi gusto ko gawin ‘yung challenge niya.” Ang tinutukoy ni Maymay ang “Liza Soberano Nose” challenge na mabilis nag-viral sa social media.
Samantala, gusto naman daw ni Edward na maging si Dwayne “The Rock” Johnson sa loon ng isang minuto.
“‘Yung motto ni Dwayne Johnson ay pagpasok mo sa isang room dapat ikaw ang pinakamasipag sa lahat. You should be the hardest worker in the room. ‘Yun ang goal ko maging hardest worker,” paliwanag ng binata.
Para sa killer question, tanong ni Robi, “Kung merong isang tao na ayaw niyo makatrabaho ever, sino yun at bakit?”
Sagot ni Edward, “Si Ate (Lauren Barber) ko. If it is hosting or acting, kahit ano, kahit photoshoot ayaw ko kasi nakaka-stress.”
Hindi naman ito sinagot ni Maymay kaya ang challenge sa kanya ni Robi, “Si Maymay ay kilala hindi lang dito sa Pilipinas pero pati na rin sa Middle East. Pwede ka bang rumampa na sobrang tindi sa isang kalsada lang diyan or diyan sa pedestrian na lang?”
Game na game naman itong ginawa ng dalaga, talagang rumampa siya na parang model sa pedestrian lane ng isang kalye.