KA TUNYING kaliwa’t kanan ang death threat: Noon takot na takot talaga ako!

Marami pala talagang natatanggap na death threats si Anthony Taberna. Ayon sa TV host-news anchor, talagang takot na takot siya noong una siyang makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa pagiging komentarista sa radio at TV.

Pero nasanay na rin daw siya, aniya, “Ngayon kasi, hindi na ako natatakot para sa sarili ko, para na sa mag-iina ko, sila na ‘yung naiisip ko. At napag-uusapan namin ‘yan ni misis, ganu’n talaga, e.

Kailangang magpakatatag ka, kasi kapag pinairal mo ang takot, hindi mo magagampanan nang maayos at may paninindigan ang trabaho mo.”

Walang bodyguard si Anthony, maging  ang  asawa at mga anak, pero dobleng pag-iingat lagi ang ginagawa nila pag nasa labas  ng bahay.

( Photo credit to Google )

Read more...