Kaso ng COVID-19 sa Pasay City tumaas

TUMAAS ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Pasay matapos makapagtala ng siyam na kaso mula sa dating pitong kaso.

Base sa inilabas na bagong datos ng Pasay City health office, pumalo rin sa 97 ang bilang ng mga person under monitoring (PUM).

Samantala, umakyat na sa 49 ang person under investigation (PUI) mula sa tatlong barangay.

 Hinikayat naman ng Pasay City health office ang mamayan ng lungsod na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung sila ay may sintomas ng ubot sipon at lagnat sa pamamagitan ng kanilang COVID-19 hotline sa numerong 09567786524 – 09089937024 – 09776907378 – 09616282934.

Read more...