POSIBLENG tumaas ang presyo ng mga bilihin na hindi mailabas ng Bureau of Customs at Philippine Ports Authority dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kina Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong at ACT-CIS Rep. Eric Yap dapat ay i-waive ng gobyerno ang storage, demmurage at detention fee ng mga container van.
“The government also has to protect the import sector during these crucial times. Much of the things that we are using to survive this crisis all came imports,” ani Ong.
Sinabi naman ng dalawa na maraming kompanya ang hindi nailalabas ang kanilang shipment sa BoC at PPA dahil bukod sa wala silang pasok ay wala trak na maglalabas nito bukod pa sa mayroong checkpoint sa maraming lugar.
Sinuspinde rin ang operasyon ng Manila International Container Port dahil dalawa sa mga empleyado nito ay Persons Under Investigation.
“Ultimately, it is the ordinary consumer who would suffer most because of these additional charges. The government must temporarily suspend the imposition of these extra fees to stop the sudden surge on the cost of imported commodities,” ani Yap.
Kung itinutulak ng gobyerno na i-waive ang renta ng mga saradong kompanya dapat ay suspendihin din nito ang collection container fees habang ipinatutupad ang ECQ.
“Most businesses have been asked by the government to shoulder allowances, salaries or even advance the 13th month pay for their employees even if they are mostly out of business because of this COVID-19 crisis. It is just right that the government should also help them by waiving these fees,” ani Ong.