Alex sa relasyon ng pamilya Gonzaga sa mga Marcos: Hindi kami close  

ALEX GONZAGA

“HINDI kami close!” 

Yan ang ipinagdiinan ng TV host- comedienne na si Alex Gonzaga patungkol sa relasyon ng kanyang pamilya sa angkan ng mga Marcos.

May isang netizen kasi ang nagsabi kay Alex na ipagdasal din ang pamilya Marcos tutal naman ay close sila sa mga ito, lalo pa’t napabalitang may sakit ngayon si Bongbong Marcos.

Nag-post kasi si Alex sa kanyang Twitter ng dasal na inialay niya para sa mga government official, mga politiko at iba pang public servants  na patuloy na umaalalay sa lahat ng Pinoy sa gitna ng COVID-19 crisis.

“Lord please touch all our leaders/authorities to use all our calamity funds for the people. In this time, wala na sana matempt magtago for personal interest. People are dying and sacrificing their lives. This is our prayer,” ang post ni Alex.

Isang netizen ang nagkomento na isama sa kanyang panalangin ang  mga Marcos. Sagot naman sa kanya ng komedyana, “Kilala, yes because of our in law. Close? Hindi.”

Hindi rin pinalampas ni Alex ang sinabi ng kanyang follower na walang kwenta ang mga kandidatong ikinampanya niya noong nakaraang eleksyon.

Hirit sa kanya ni Alex, “(For your information), wala po ako inenrdorso kundi tatay ko at isang partylist.”

May nagtanong naman sa kanya tungkol sa umano’y pag-endorso niya sa kandidatura ni Bong Go nang kumalat ang poster noon ng senador sa music video ng hit song niyang “Chambe.” 

Paliwanag ni Alex, “Guerilla shoot po tawag dun. Mabilisan. Nung shinoot ko yun sa munisipyo nakasabit na yun. 

“I cannot remove it because mabilisan ang shoot and wala ako sa position to do so. We tried to cover it but in a certain shot we can’t. Ibang shot napalitan na namin,” chika pa ni Alex.

Kamakailan ay nagbigay din ng tulong si Alex sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Namahagi sila ng relief goods sa tulong na rin ng militar at mga pulis.

“Thank you to the people risking their own health to help us distribute our small relief goods for our kababayans. Sana makatulong ito kahit paano sa mga mabibigyan,” mensahe ni Alex.

Read more...