Taguig City may libreng medical consultation sa pamamagitan ng text

 

MAY libreng text at medical consultation sa Taguig City habang  ipinapatupad ang enhanced community quarantine.

Inilunsad  ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang Telemedicine, isang programa na pwedeng sumangguni ang mga residente sa mga doktor at medical workers ng kanilang pangangailangang medikal nang hindi na kailangang magtungo sa ospital o health center.

Bukod sa 31 health centers at tatlong Super Health Centers na bukas para magbigay tulong, maaaring humingi ng medical assistance ang mga residente ng Taguig kahit pa na nasa loob sila ng kanilang tahanan, kung saan pwede pa silang makatanggap ng mga gamot sa pamamagitan ng door-to-door delivery sa panahon ng quarantine.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, layunin ng programa na masiguro na ang mga tao ay tumutupad sa itinakdang home quarantine, at para na rin maiwasan ng mga residente na makihalubilo sa maraming tao sa iisang lugar na pagsuway sa social distancing protocols.

Nag-iikot din ang mga health workers sa lahat ng barangay upang ihatid ang mga maintenance medicine sa diabetes, hypertension at asthma, TB at HIV, maging ang mga birth control pills.  Ang mga bakuna ay isinagagawa rin sa bahay bahay.

Read more...