Nograles: 60-day lockdown, military takeover, fake news!
TINAWAG na fake news ni Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang kumakalat sa social media na umano’ plano ng gobyerno na magpatupad ng 60-araw na extended lockdown at umano’y military takeover.
“These rumors being spread via social media platforms and being sent via messaging applications are all fake news,” sabi ni Nograles.
Pinayuhan din ni Nograles ang publiko na tigilan ang pagfo-forward at pagpo-post ng mga tsismis na nagdudulot ng panic.
“I advise the public to refrain from forwarding or posting these rumors like these as they unnecessarily cause panic and fuel detrimental behavior like hoarding. Hindi po ito nakakatulong,” ayon pa kay Nograles.
Nagbabala si Nograles na sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act o Republic Act (RA) No. 11469 na pinirmahan kamakailan ni Duterte, makakasuhan ang mga nagkakalat ng fake news.
Ani ni Nograles nahaharap sa dalawang buwan at multa hanggang P10 milyon ang mga magpapakalat ng fake news.
“These rumors being passed around are not harmless, and only highlight the need to institute measures to discourage the public from spreading them. Tulad ng virus, delikado din ang chismis na ganito at kailangan din gumawa ng hakbang upang tigilan ang pagkakalat nito––dahil nakasasama ang mga ito sa ating lahat,” giit ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.