PSG personnel naka-lockdown

INIHAYAG ni Presidential Security Group Chief Col. Jesus Durante na ipinag-utos niya ang lockdown ng lahat ng mga miyembro ng PSG matapos namang makasalamuha ang isang kongresistang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“The lockdown applies only to all PSG personnel. I require all PSG personnel to go on self quarantine effective 28 March. No PSG personnel to go out of malacanang complex until 10 April,” sabi ni Durante.

Ito’y matapos namang magpositibo si Napositibo sa COVID-19 si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, na dumalo sa pagpupulong sa Malacanang.

“OP (Office of the President) personnel is to maintain their skeletal workforce and shall be allowed to go to their respective offices within Malacanang complex subject to regular screening procedures,” ayon pa Durante.

Niliwanag naman ni Durante na inirekomenda niya ang lockdown sa buong Malacanang complex.

Read more...