TINAWAG na kaplastikan ng ilang netizens ang ginawang panawagan ni Mariel de Leon na patuloy na mag-donate para sa mga Pinoy apektado ng health crisis sa bansa dahil sa COVID-19.
Mismong ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong ang nagbalita sa madlang pipol na may mga bashers na nang-okray sa kanya matapos siyang mag-post ng announcement sa Instagram para sa mga nais magpaabot ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kamakailan ay nag-post nga ang 2017 Miss International Philippines sa IG ng mensahe para sa lahat. Aniya, “Even the smallest donation can make the biggest difference. Thank you. To my Filipino followers, please send me links of places/organizations that need help. And to my friends in the PH, please spread the word and donate too. So if you can help please help. And always be kind. Sending love.”
Pero sa kabila ng pagmamagandang-loob ay may mga nangnega pa rin sa kanya at napaplastikan daw sa ginawa niya.
“Someone commented on my Instagram to stop telling people to donate and to stop posting kind things because it ‘doesn’t sound like me.’
“Mga Pilipino talaga, sobrang toxic minsan. Damned if you do, damned if you don’t,” reaksyon ni Mariel.
Samantala, hindi rin niya pinalagpas ang nabasa niya sa isang news report tungkol sa kanyang inang si Sandy Andolong.
Tweet ng dalaga “fake news” daw ang balitang nag-test na negative ang kanyang nanay na si Sandy sa COVID-19. Hindi na idinetalye ni Mariel ang kanyang pahayag pero base sa naunang pahayag ni Sandy, nag-self quarantine agad sila ng anak nila ni Boyet matapos magpositibo sa COVID-19 ang aktor.
Kamakailan, kinumpirma ng pamilya ni Boyet na nakauwi na ang aktor sa kanilang bahay matapos ma-confine sa ospital dahil sa coronavirus disease.
Pero ayon kay Sandy kailangan pa ring mag-self isolate ng aktor hanggang sa kanyang total recovery.