Dingdong, Marian hinati ang buong araw sa 3 parts habang naka-quarantine

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

MAY kanya-kanyang paandar ngayon ang mga Pilipino kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay sa gitna pa rin ng enhanced community quarantine  dahil sa COVID-19. 

Sa unang no-contact online fundraising event ng GMA 7 na pinangunahan ng All-Out Sundays stars last Sunday, ibinahagi nina Kapuso Primetime King & Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera kung paano ang kanilang bonding time kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ayon kay Dingdong, hinahati nila ang buong araw sa tatlong bahagi – sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat. 

Dagdag naman ni Marian, mainam din daw na gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo sila. 

“Ang masaya kasi ay nagkaroon talaga kami ng maraming oras para maka-bonding ‘yung mga anak namin, yung kasama kaming dalawa ni Yan,” saad naman ng lead star ng Kapuso series na Descendants of The Sun.

Samantala, kahit hindi muna napapanood sa GMA Telebabad ang DOTS PH, good vibes pa rin ang hatid ng cast nito sa pangunguna ni Dingdong. 

Sa Facebook at Instagram, binuo nila ang @dotsphofficial na nais magbigay ng “hope, positivity, happiness, and inspiration during this time of Enhanced Community Quarantine in the country.” 

Isa sa mga activities nila ay ang Facebook Live kung saan sabay-sabay na nag-workout sina Dingdong, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas, Carlo Gonzales, Neil Ryan Sese at Ian Ignacio. Hinikayat din nila na sabayan sila ng mga netizens para manatiling fit and healthy laban sa banta ng COVID-19.

Pansamantalang umeere ang Encantadia.gabi-gabi sa timeslot ng DOTS PH pagkatapos ng 24 Oras.

Read more...