AFP chief nagpositibo sa COVID-19; Defense Secretary sasailalim sa quarantine

KINUMPIRMA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19) si Armed Forces chief Gen. Felimon Santos Jr.

Sa isang mensahe sa mga reporter, sinabi ni Lorenzana na ipinaalam sa kanya ni Santos na nagpositibo ito sa COVID-19, base sa resultang natanggap ng military chief Huwebes.

Ayon kay Lorenzana, bago lumabas ang resulta ay nakasalamuha niya nang dalawang beses si Santos, kaya kailangan nya ring sumailalim sa quarantine.

“I had close proximity with him (Santos) on 2 ocassions: in [Villamor Air Base] during the turn over of medical supplies to me last Sunday… and again last Monday afternoon, here in [Camp Aguinaldo] and at the Heroes Hall, Malacañang.”

Sasailalim si Lorenzana, 71, sa self-quarantine simula ngayong araw (Biyernes).

“I have no symptoms but protocol says I have to self-quarantine for 14 days.”

Noon lang Miyerkules, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lorenzana bilang chairperson ng National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19.

Kasunod noo’y itinalaga ng Pangulo si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Carlito Galvez Jr. bilang “chief implementer” ng mga programa laban sa COVID-19 sa ilalim ng NAP

Read more...