Tatay ni Ice Seguerra may cancer/ Pero feeling ko blessing pa rin ito sa amin…

SA unang pagkakataon, isinapubliko ng award-winning OPM artist na si Ice Seguerra ang health condition ng kanyang tatay.

Ayon kay Ice, nakikipaglaban ngayon sa cancer ang ama sumailalim lang daw ito sa radiation treatment bago pa ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa.

Sa isang mahabang mensahe kanyang ipinost sa Instagram, naging emosyonal si Ice sa pagkukuwento tungkol sa relasyon niya ngayon sa kanyang pamilya. Dito, inamin niya na totoong masama ang loob sa kanya ng mga ito dahil bihira lang siyang makadalaw.

Sa ngayon ay magkasama ang mag-asawang Ice at Liza Dino na naka-home quarantine at ang palagi nilang dasal ay matapos na sana ang krisis sa COVID-19. Narito ang kabuuan ng IG post ni Ice.

“Missing these 3 so much. Last time ko sila nakita was before I left for the States nung March 3. Pagbalik ko quarantine na. Dahil lampas 70 na rin sina mama and daddy, I dont want to risk it.

“Sa mga hindi po nakakaalam, may cancer si daddy. Nagsimula sa prostate kaso nag metastasize sa ibang parts ng bone niya. Okay naman siya. Katatapos lang ng radiation treatment. 

“Naisip ko nga, buti na lang natapos namin yung treatment bago nangyari ang lahat. I’m thinking of my dad’s ‘classmates’ sa radiology dept ng St. Luke’s. 

“Marami sa kanila, pasimula pa lang. I can’t imagine what they’re going through right now.  Nagkaroon kami ng family meeting nun sa bahay. Of course, dahil open forum, nagkalabasan nang mga sama ng loob. 

“Masama loob nila sa akin coz I rarely visit. At aminado ako dun. So I changed my ways. I made sure na I’m always in contact with them. Labas kami once or twice a week. Malling lang or kakain sa labas tapos kwentuhan. Simple pero masaya. 

“Mas nagkaroon ako ng appreciation sa bawat isa sa kanila, mas naiintindihan ko kapag nagtatampo sila sa akin and I make sure na hindi ko papalampasin yun. My dad’s sickness brought us all closer, I think.

“I get to hug my mama more, mas nakakapagusap na kami ni daddy tungkol sa mga bagay na dati hindi namin mapagusapan. 

“So yeah, may cancer siya but I think blessing pa rin yun kasi it gave us the gift of appreciating every single day that we get to spend together, every hug, every tawanan, the conversations and most of all ang makahingi ng tawad at makapagpatawad. 

“Now, I can say (at least on my end) that there are no words left unsaid and no deeds left undone.

“Isa rin sa hindi matatawarang blessing sa buhay ko ay ang kapatid ko. He’s become the man of the house, in every sense of the word. May katuwang ako kina mama and daddy.

“Hindi lang sa pag aalaga but financially din. Siguro kung wala kapatid ko, nabaliw na ako pero dahil nandiyan siya, teamwork kami. Sobrang swerte ko sa kapatid ko. Responsable, he takes care of the family, and he loves us to death.

“Mama, daddy, bro… Kain tayo pagtapos nito. Sa kahit saan ninyo gusto. Miss ko na kayo…” ang huling mensahe pa ni Ice.

Read more...