Balikatan exercises sa pagitan ng US, Pinas kanselado na

POSTPONED na rin ang Balikatan exercises na naka-schedule sa May 4 hanggang 15 ngayong taon dulot coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang press release, sinabi ng United States Indo-Pacific Command na nakabase sa Hawaii na ang kanselasyon ay batay sa international travel restrictions na ipinatupad ng US Department of Defense at ng Pilipinas bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

“In light of the extraordinary circumstances surrounding COVID-19 pandemic and in the best interest of the health and safety of both countries’ forces, it is prudent to cancel Balikatan 2020,” pahayag ni Adm. Phil Davidson, commander ng US Indo-Pacific Command.

“We remain deeply committed to our long-standing Alliance and friendship,”  dagdag na pahayag ni Davidson.

Nagtutungo sa bansa ang US forces sa taunang Balikatan para makasama ang mga Filipino troops sa military exercises kasama ang mga tropa rin mula sa Australia.

Sinasabi na ang exercise sa Mayo ang huling Balikatan matapos i-terminate ng Pilipinas Visiting Forces Agreement with the US.

Read more...