1 bebot, 2 kelot huli sa buy-bust

ARESTADO ang isang babae at dalawang lalaki sa isinagawang buybust operation sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Maricel Uchi, 44, fruit vendor, ng Brgy. Baesa, Paul Pangilinan, 39, at Eduardo de Mesa, 54, mga taga-Brgy. Sto. Niño.

Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya alas-6:45 ng gabi sa Pangasinan st., Brgy. Sto. Cristo.

Nakabili umano ng P500 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Nang maaresto ang mga suspek ay nakuhanan umano sila ng P54,400 halaga ng shabu.

Read more...