“TIE a red ribbon!”
Yan ang panawagan ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay para bigyang pagkilala ang lahat ng COVID-19 health workers at frontliners.
Ito’y para sa pagsasakripisyo at pag-aalay sa kanilang buhay para mailigtas ang lahat ng COVID-19 patients.
Sa kanyang Instagram account, pinasimulan ni Derek ang “tie a red ribbon” campaign kung saan hinihikayat niya ang lahat na magtali ng pulang ribbon sa gate o pinto, sasakyan, puno at iba pang lugar para iparamdam sa mga frontliners ang pagmamahal at suporta ng bawat Filipino sa kanilang kabayanihan.
“Our doctors, other health workers, and frontliners are facing extreme risks and sacrificing their own health, life and family to serve the Filipino people in this fight against COVID 19.
“AT LEAST 5 DOCTORS HAVE DIED ALREADY. SINCE WE CANNOT REACH THEM TO SHOW OUR SUPPORT, CAN WE PLEASE START A ‘TIE A RED RIBBON’ CAMPAIGN FOR OUR FRONTLINERS?
“WE CAN PLEASE TIE RED RIBBONS IN OUR GATES, CARS, TREES, ETC…. RED FOR LOVE! CAN WE START NOW? HOPING FOR YOUR SUPPORT IN OUR SIMPLE WAY OF SHOWING LOVE AND SUPPORT FOR OUR FRONTLINERS…THANKS MGA KABABAYAN AND GOD BLESS YOU ALL! #heroes #stayathome,” caption ni Derek sa litrato ng kanyang pintuan na may nakataling red ribbon.
Ang pagtatali o paglalagay ng mga ribbon ay isang uri ng kampanya para sa isang bagay na ipinaglalaban o nais panindigan ng isang indibidwal o grupo. May iba’t ibang meaning din ang kulay ng ribbon.
At para sa global health crisis, ang pula raw ay nangangahulugan ng “strength, courage, determination, and passion.”