NAGHIHIMAGSIK ang damdamin ng maraming netizens kaugnay sa pahayag ng asawa ni dating Sen. Bongbong Marcos ukol sa kalagayan ng kalusugan nito na kumakalat sa social media.
Sa nasabing post, inanunsyo ni Liza Marcos na sumailalim ang kanilang buong pamilya at miyembro ng kanilang staff sa pagsusuri para sa Covid-19 kahapon.
Ngayong araw ay nakuha nila ang resulta na nagsasabing pawang negatibo sila sa nasabing sakit.
“Yesterday, we had ourselves and our entire staff tested for Covid-19. Fortunately, we all tested negative,” aniya.
Inulan naman ng nagatibong komento mula sa netizens ang pahayag ni Gng. Marcos.
Ayon sa comment sa FB ng isang Sidney Snoek: “They got the results so fast? Most patients are already dead when the results come in.”
Hirit naman ni Gabriel dela Pena: “Buti pa sila nakapagpa-test na … iba talaga pag elitista! Sila nauuna hindi ‘yung may symptoms! Asymptangatics!”
“Grabe tlgang mga politoking ito! And they say there is no VIP treatment?? Evident impartiality! Those who voted for them who are symptomatic and have not gone testing must have realized by now how dumb it was to put them on their voters list,” ngitngit ni Jeff Korrine Flores Fontanilla.
Reklamo naman ni ER Silvano: “While other frontliners may fever na pinapauwi lang sa bahay kc di pa raw symptomatic.”
Tanong tuloy ni Nico Simon Lopez: Did Bongbong use our taxpayer’s money (again) for treatment?