GALIT si Davao City Mayor Sara Duterte sa aniya’y pagtatangka ng maraming indibidwal na mabigyan sila ng special treatment para makapagpagamot sa mga ospital sa rehiyon.
Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ni Duterte na galing ang tinutukoy mula sa tatlong ahensiya ng gobyerno at nagpadala ng mga emisaryo para makapasok sa Davao at doon magpaospital.
“I don’t want to name them. What we want is ‘ways forward,’ but I don’t want to receive requests like that,” sabi ni Duterte, na siyang chair COVID-19 Task Force ng rehiyon.
“I would like to respectfully request the national government agencies to stop asking me to defy rules that have been put in place to help you fight COVID-19 and protect the people of this region,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na walang pakialam ang ibang opisina ng gobyerno sa ginagawa ng lungsod at ng rehiyon para tulungan ang bansa.
“These offices seem to care more for batches of 2, 4, 7, even 30 individuals against the 4.8 million population of Filipinos in the region,” dagdag ni Duterte. “This is an unfortunate case of a government working against others in government”.
Sinabi pa ni Duterte na hindi dapat maliitin ng ilang opisyal ang ginagawa ng lokal na pamahalaan para labanan ang COVID-19 pandemic.
“I would like to respectfully request national government agencies to stop asking me to defy rules that have been put in place to help you fight COVID-19 and protect the people of this region,” ayon pa kay Duterte.