TIGIL muna sa paggawa ng mga bridal gown ang ilang fashion designers ngayong panahon ng krisis para makilahok sa bayanihan spirit ng mga Pinoy.
Para makatulong kahit paano sa laban ng pamahalaan kontra coronavirus disease o COVID-19, naisipan ng ilang Pinoy designers na gumawa ng personal protective equipment (PPE) para maipamigay sa mga frontliners at medical personnel.
Isa na nga rito ang Manila-based designer na si Bryan Peralta na kilala sa paggawa ng wedding gowns at mga sosyaling OOTDs. Tulung-tulong sila ngayon ng kanyang team para makagawa ng mga PPE dahil nga sa kakulangan ng supply ngayon dulot ng lumalala pang COVID-19 pandemic.
Nag-post si Bryan Peralta sa kanyang Facebook ng mensahe tungkol dito kung saan makikita ang nagawa nilang PPE at face mask.
“We’re stretching our sewing muscles and practicing on including Protective Suits to our production along with Face Masks free for our Frontliners!
“We’d like to thank everyone who have messaged to show and send support in this cause! Your kindness and generosity have been invaluable and we will continue to distribute Face Masks as more requests come in!
“As of today, Our Friends from Manila Protective Gear have released their open source Protective Suit Tech Pack and Patterns for everyone who are able to commit to making them. Please check and join the Facebook Page for more info!
“Please stay at home and strictly adhere to #SocialDistancing ! #WashYourHands thoroughly! Check your Family and Friends and keep communication lines open! #NoVIPTesting #COVID19.
“Edit: The pattern we made and used here is a two piece pants and suit pair for practice purposes only. The designed suggested patterns are available on the Club’s page and will be used by everyone volunteering to help including us!”
Halos iisa lang ang reaksyon ng mga netizens sa pagkakawanggawa ng mga Pinoy fashion designers para sa ating frontliners — sana all!