Kongresista na nagpositibo sa COVID-19 kakasuhan ng PSG

SINABI ni Presidential Security Group (PSG) Chief Col. Jesus Durante na nakatakda nilang kasuhan si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, na naunang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos ilagay sa panganib ang buong Malacanang Complex.

Sa isang panayam, idinagdag ni Durante na hindi idineklara ni Yap sa declaration form na pinapipirmahan ng PSG bago pumasok ng Palasyo, na siya ay may sintomas ng COVID-19.

“Actually po we have been implementing strict security measures para sinuman ang pumasok dito sa Palasyo and we are letting them sign a declaration form. Ang problema itong si Congressman Yap, he did fill up itong form, but he did not declare na may contact siya to some people found positive with… and he has cough, he has been experiencing some symptoms. hindi niya lahat idineclare ito,” sabi ni Durante.

Idinagdag ni Durante na nagsasagawa na ng imbestigasyon, bagamat ipinag-utos na niya ang quarantine sa lahat ng mga nakasamuha ni Yap.

“If really needed, we can file a case against him nung ginagawa niya. Umattend siya sa meeting, involving itong mga Cabinet secretaries natin and it really endangered everyone dito sa loob ng Palasyo,” ayon pa kay Durantr.

Sinabi ni Durante na kabilang sa mga isasailalim sa quarantine ang lahat ng mga lumahok sa pagpupulong kabilang na ang mga PSG personnel na nag-screen sa kanya, yung support personnel na nandun sa area,”

“…to include yung mga kasama sa meeting sa loob, all of them, are now declared as PUIs kasi they have closed contact to a person who was found positive… and right now we are revising the declaration form to see to it that other measures will be undertaken,” ayon pa kay Durante.

Ani Durantr, isasama na sa declaration form ang tanong kung sumailalim ang isang tao sa COVID test at kung bakit ito nagpasuri.

“Sabi ko nga from the very beginning, ito talaga ang iniiwasan natin na mangyari, na ma-contaminate ang Malacanang complex,” ayon pa kay Durante.

Read more...