Koko Pimentel humingi ng pang-uunawa: Hindi ko naman po alam!

PANG-UNAWA ang hinihingi ngayon ni Senator Koko Pimentel matapos siyang i-bash ng publiko sa pagpunta sa Makati Medical Center gayong siya ay person under investigation.

Sa isang interview, sinabi nya na hindi naman daw siya umubo habang nasa pasilidad ng MMC.

“Una sa lahat, hindi naman ako umuubo so hindi ako nakakalat ng droplets. Wala akong ubo so ‘wag masyado matakot,” aniya sa interview sa GMA News.

Naiintindihan naman nya ang takot pero huwag naman daw sana siya i-discriminate.

Aniya, excited lang siya sa pagiging ama.

“Humihingi na lang po siguro ako ng understanding. Siyempre kahit sino namang tao, ama ay magiging excited. Hindi ko naman po alam.”

Si senator Pimentel ang pangalawang Senador na nag-positibo sa COVID-19.

 

Read more...