Sharon Cuneta: Nakalimutan nating makuntento, nakalimutan na siguro natin tumawag sa Diyos | Bandera

Sharon Cuneta: Nakalimutan nating makuntento, nakalimutan na siguro natin tumawag sa Diyos

Ervin Santiago - March 25, 2020 - 07:06 PM

SHARON CUNETA

“NAGPAPAALALA lang ang ating Ama!” Ito ang paniniwala ni Megastar Sharon Cuneta sa kinakaharap na COVID-19 crisis ngayon ng buong mundo.

Ayon kay Sharon, mas makakatulong kung magiging positibo ang lahat sa gitna ng pandemic na ito kesa magpakanega at maalarma.

Hinikayat din ng singer-actress ang lahat ng Filipino na patuloy mag-alay ng taimtim na dasal para magtagumpay ang buong mundo sa paglaban sa killer virus na ito.

“Sa nangyayari sa mundo ngayon at mahirap man tumingin sa positibo o kahit magkaroon ng pag-asa, kailangan natin gawin at magkaroon ng mga ito upang ngumiti at huwag na huwag papayag mawalan ng pag-asa mula sa ating paggising hanggang sa pagtulog. 

“Darating din ang umaga uli para sa ating lahat. Matatapos din ito. Pilipino tayo, madami nang pinagdaanang malulupit na panahon dulot ng bagyo, baha, lindol, bulkan, at kung ano-ano pa,” pahayag ni Mega sa kanyang Instagram post.

Pagpapatuloy pa niya, “Siguro masyado nang mabilis ang ating mundo. Baka nakalimutan na natin ang tunay na mahahalaga sa buhay. 

“Karamihan sa atin, bukod sa ating mga kababayan na araw-araw kailangan magtrabaho para may maiuwing pagkain sa kanilang mga minamahal na pamilya, ay di nakakakita na halos lahat pala ng kailangan natin ay nasa atin na. 

“Nakalimutan lang natin makuntento. Higit sa lahat, nakalimutan na siguro nating tumawag sa Panginoon kahit wala tayong problema o kinakailangan. 

“Nagpapaalala lang ang ating Ama. Kapit lang. Magtulungan tayo. Walang iwanan,” pahayag pa ni Sharon.

Nanawagan din ang Megastar na huwag sanang magsawa ang mga may kaya sa pagtulong sa lahat ng nangangailangan.

“Tumulong tayo sa mga walang paraang makakuha ng makakain sa araw-araw, sa mga frontliners. ‘Di rin naman nila kagustuhang dumami pa ang magkasakit at ma-expose ang mga doktor at healthcare workers sa posibilidad na mahawa. 

“Gaya ng mga pulis at sundalo sa mga kalye. Sa init at gutom at takot na mahawa, ‘di rin naman nila gusto ‘yon. Kung kaya natin, abutan na lang sana natin sila ng maiinom, makakain, at magsabi ng ‘Thank you po sa ginagawa ninyo.’ ‘Yun lang po. Ingat po kayong lahat. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you don’t have to go out, stay home and take advantage of this time with your family and don’t forget time for yourself. Pray. May God bless us all! Love and tight hugs from all of us at our home,” lahad pa ni Mega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending