Mabagal na akreditasyon sa mga testing centers binatikos

BINATIKOS ni Senador Sherwin Gatchalian ang kabagalan ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga testing centers at importasyon  sa mga testing kits para sa COVID-19.

Tinukoy ni Gatchalian ang testing center na itinayo ng lokal na pamahalaan ng Marikina na hindi mabuksan  dahil sa under evaluation pa ng DOH.

Nauna nang sinabi ng DOH na pinoproseso pa nila para mabigyan ito ng akreditasyon.

Subalit ayon kay Gatchalian hindi dapat ituring ng DOH na kliyente ang lokal na pamahalaan ng Marikina na nag apply para mag operate ng laboratory kundi dapat itong itrato na partner sa paglaban sa nasabing virus.

Giit ng Senador hindi ang novel coronavirus ang papatay sa mga tao kundi ang red tape at kawalan ng sense of urgency ng DOH.

Ang kailangan umano ngayon ay  ang mabilis na aksyon ng gobyerno para mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19.

Nagpaalala din si Gatchalian na maraming magugutom kapag hindi minadali ang gobyerno sa pagkilos nito para matigil ang pagkalat ng nasabing virus.

Read more...