NAARESTO ng Quezon City Police District ang 11 katao sa magkakahiwalay na anti-drug operations.
Nahuli sa buybust operation ng Novaliches Police sina Edwin Torres, 39, Jake Siawingco, 36, Mark Reggie Bariniano, 34, Emmanuel Putan, 39, mga taga-Bagong Silang, Caloocan City at Frederick Fernandez, 42, ng Brgy Capri, alas-8 ng gabi noong Martes sa 28 Geronimo Compound, Brgy Sta. Monica, Novaliches.
Nakumpiska umano sa kanila ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10.200.
Naaresto naman ng Fairview Police sina Jundi Atibagos, 24, at Jonathan Gonzales, 46, alas-7:45 ng gabi noong Martes sa Zabarte Road kanto ng Zabarte Ext. Brgy Kaligayahan. Nakumpiska umano sa kanila ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Nasakote naman ng Project 4 Police sina John Carlo Romorosa, 32, Edcel Luigi Delos Santos, 26, at Mark Anthony Balictar, 31, ng Brgy. Escopa 1, Project 4, alas-12:45 ng umaga kanina sa 45C Escopa 1, Project 4. Nakuha umano sa kanila ang siyam na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P35,000.
Anonas Police naman ang humuli kay Michael Morano, 41, alas-10:45 ng gabi noong Martes sa P. Bautista st., Brgy. Pansol. Isang sachet ang nakuha sa kanya ng mga pulis na sumita sa kanya kaugnay ng umiiral na curfew.