Bonus, allowance ng guro ibibigay na

INAAYOS na ng Department of Education ang pagpapalabas ng 2018 Performance-Based Bonus at clothing allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang halaga ng PBB na ibibigay sa guro ay depende sa kanilang naging performance noong 2018. Hindi ito agad na ibinigay ng Department of Budget and Management dahil kulang umano ang isinumiteng requirement ng ahensya.

 “We are delighted that the DBM has granted our request for reconsideration on the matter of the PBB. We truly appreciate the desire to recognize the contributions of DepEd to the fulfillment of goals of the government,” ani Education Sec. Leonor Magtolis Briones.

Sa ilalim ng Administrative Order 25, mayroong mga kondisyon na kailangang sundin ang ahensya para makatanggap ng PBB ang mga tauhan nito.

Naisumite na umano sa AO25 Inter Agency Task Force ang school level performance ranking reports na syang pagbabatayan ng halaga ng bonus na ibibigay sa bawat guro.

“We are still appealing to the DBM and AO25TF to reconsider the grant of eligibility to all DepEd non-teaching staff too, especially that they have been contributors to the improvement of the performance indicators of the DepEd and will be the ones who will be directly exposed to extreme risk and hazards during ECQ in processing the payment of the PBB 2018 for the school-based positions,” dagdag pa ni Briones.

Read more...