3 lalaki kulong sa shabu

SWAK sa rehas ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng shabu at baril sa isang kalsada sa Makati City habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Kinilala ni Makati City Police Chief P/Colonel Rogelio Simon ang mga suspek na sina David Minadanao, 25, binata, ng 408 Anahaw st., Barangay Comembo, Makati City; Gerogie Navarrete, 21, ng 187-M 27th Ave., Bgy. East Rembo at Ian Marcelo Sabado,25, bartender, ng 159-F 20th Ave., Bgy. East Rembo sa nasabing lungsod.

Sa ulat, naaresto ng mga operatiba ng Sub-Station 9 ang tatlong suspek sa panulukan ng Target Range at Jupiter Sts., Bgy. Pembo, Makati City, dakong 4:50 ng hapon.

Nagpapatrolya sina Cpl Jake Jacinto, Cpl. Joel Farro at Pat Louijo Badajos nang mamataan nila ang tatlong suspek habang nakatayo sa tabi ng kanilang motorsiklo at biglang nagtakbuhan nang lapitan sila ng mga pulis.

Nahuli rin ang mga suspek.

Narekober kay Sabado ang isang .22 revolver,  na may apat na bala at 0.75 gramo ng shabu, habang 0.47 gramo naman mula kay Mindanao at 0.31 gramo, mula kay Navarrete.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang isang itim na Euro racing Mitsukoshi (BD 5124) at asul na Novou Z, Yamaha 125 (8590 XH).

Read more...