HINDI na tatanggap ng pasyenteng may COVID-19 ang St. Lukes Medical Center – Quezon City at St. Lukes Medical Center – Global City dahil puno na ang kanilang kapasidad.
Ayon sa statement ng St. Lukes, narating na ng parehong ospital ang ‘maximum capacity’ at ang pag-aadmit pa ng mga pasyente ay magkakaroon ng ‘serious impact’ sa pagbibigay nila ng ‘critical care and attention’ para sa mga pasyente nila.
“While it is our desire to extend quality healthcare to every patient that needs our help we can only do so much at this point. As of the moment, in both hospitals, we are already caring 48 patients confirmed to be afflicted with the virus, 139 patients under investigation (PUI) and 592 of our very own frontline healthcare workers who are on quarantine.”
Sa ngayon, magsasagawa lamang sila ng out-patient testing para sa mga taong pasok sa criteria ng Department of Health patungkol sa COVID-19.
Sa huli, nakiusap ang St. Lukes na mag-sagawa ng preventive measures at manatili sa kani-kanilang mga bahay.