Stressed dahil sa Covid-19? Virtual psychosocial chat alok ng Muntinlupa gov’t

HINDI dahil nasa bahay ka lang ay stress free ka na.   Parang lalo yatang nakaka-stress kung nasa bahay dahil pinuwersa kang mag-stay lang sa bahay.

Kung stressed ka na at taga-Muntinlupa City, pwede kang humingi ng tulong sa mental health service ng lokal na pamahalaan.

Ang mga residente na nai-stress na at nakakaranas ng anxiety dahil sa novel coronavirus disease 2019 ay maaaring makausap ang mga mental health professional sa pamamagitan ng chat. Ito ay nasa Facebook page ng Muntinlupa Mental Health and Psychosocial Support.

“Stressed? Nagwoworry? Wala ka masabihan? Chat mo kami! Nandito kami para makinig sa iyo!” saad ng Muntinlupa Mental Health and Psychosocial Support sa Facebook page nito.

Ayon sa Center for Disease and Prevention Control ng Amerika ang COVID-19 outbreak ay magdudulot ng takot at pangamba hindi lang sa mga matatanda kundi maging sa mga bata.

Mas malaki umano ang nararamdamang pangamba ng mga taong may edad at mayroon ng sakit dahil mas malaki ang tyansa na sila ay mahawa at mamatay.

Nakadaragdag umano sa stress ang takot na mahawa ang mga mahal sa buhay bukod sa sarili, pagbabago ng oras ng pagtulog at pagkain, problema sa pagtulog, paglala ng dati pang karamdaman, at pagtaas ng nakokonsumong alak o sigarilyo.

Hindi umano dapat huminto sa pag-inom ng gamot ang mga may sakit lalo na kung kaugnay ito ng mental health ng isang tao.

May payo ang CDC sa indibidwal na nakararanas ng stress:

Read more...