2 Indian national, 5 pa huli sa curfew

DALAWANG  Indian national at limang iba pa ang dinampot ng mga tanod dahil sa paglabag sa curfew na ipinatutupad kaugnay ng Enhance Community Quarantine sa Quezon City.

Hinuli ng mga tauhan ng Fairview Police ang pito mula alas-9:15 hanggang 11 ng gabi sa North Olympus Subdivision, Barangay Kaligayahan.

Dinala sa Fairview Police sina Love Preet Singh, 27, Prabhjot Singh, 24, John Xyrille Ramirez, 24, Neil Cyrus Orpiada y Asuncion, 23, Nikko Jerome Orpiada, 18, Lazaro Meneses, 60, Milk Car Sanchez, 22.

Ipinatutupad sa Quezon City ang curfew mula 8 ng gabi hanggang 5 ng umaga.

Read more...